ESPY
Fidel P. Orate
Alagang Customs officer ng big-time
Hong Kong national makikilala na!
POSIBLENG magkaroon ngayong linggo ng “sibakan blues”
sa mga CUSTOMS officers sa Mactan Customs under Collector
Rene Benavides, particular na sa ang naka-assign sa Arrival
Area, Passenger Service under Collector Fe Llueyen Toring.
Nakarating daw sa kaalaman ni Customs Commissioner Napoleon
Morales na may malaking nangyaring “anomalya”
sa pagkakasakote ng HK$1 million or P5.6 million na dala-dala
ng big-time Hong Kong tourist national na si Zhang Ji Feng
sa Cebu Mactan International Airport.
Kaagad nag-utos ng mabilisang pag-iimbestiga si Customs Cebu
District Collector V1 Atty. Ronnie “RS” Silvestre
kay Legal Division Chief Atty. Edward James Dy Buco at Customs
Mactan Sector Commander Capt. George Macarubbo kung bakit
nakalabas na ng bansa ang ‘misteryosong’ big-time
tourist Hong Kong national na si Zhang Ji Feng.
Base sa panayam ng ESPY kay Collector Silvestre, sinabi niya
na halos apat o limang beses sa isang buwan kung dumarating
si Zhang Ji Feng sa Pilipinas particular na sa Cebu.
Ayon pa sa ‘bubuyog’ ni Collector Silvestre na
nauna nang nag-imbestiga, bakit kaya SASALTO ang magagaling
na Customs examiners eh nang kinumpiska ang dolyares na dala-dala
nitong Feng ay hindi isinamang kinumpiska ang PASSPORT. Bakit?
Isang trillion katanungan: Bakit? Sila lang ang nakakaalam…
Sabi nga ng ‘bubuyog’ ni Silvestre (take note)
maraming pagkakataon upang makumpiska ang PASSPORT, eh BAKIT
HINDI NILA GINAWA?
Ang matindi ay kapag nakuha ang record sa Immigration at
napatunayang apat or limang beses sa loob ng isang buwan kung
dumating itong si Feng sa Pilipinas na ang paboritong puntahan
ay Cebu at sa “tuwi-tuwina” ay may dala-dalang
DOLYARES na sinasalubong ng ALAGANG CUSTOMS OFFICER.
Sa palagay ng ESPY, hindi na mahihirapan si Atty. Dy Buco
at Capt. Macarubbo sa pag-iimbestiga DAHIL IILAN LANG SILANG
DUTY EXAMINERS.
‘Di ba, Tatay Rudy? May iba pa ba?
Ito pa ang isang matindi. HINDI LANG DAW ONE MILLION HONG
KONG DOLLARS ang dala-dala nitong si Feng, HIGIT pa!
BOW!
Abangan…
(Pwede kayong mag-email para sa inyong mga reaksyon at sumbong
sa del.orate@yahoo.com.)/PN